Paano gumawa ng bagong product request?
Bago gumawa ng bagong product request, siguraduhin muna na wala pang nakalistang offer para sa produktong iyon!!
Sa merchant's dashboard, pumunta sa "offers" tab (para mapalitan ang client dashboard (orange) patungong merchant dashboard (green), i-click ang slider sa kanang bahagi sa dulo ng tab list).
Pindutin ang kulay berdeng "new offer" button sa kaliwang bahagi ng page. Dadalhin ka nito sa listahan ng lahat ng available na produkto. Kung hindi mo mahanap ang produktong gusto mong ibenta sa listahang iyon, gumawa ng request para sa bagong produkto sa pamamagitan ng pag-click sa kulay abong “+ New Product Request” button na makikita sa kanang bahagi.
Kakailanganin mong punan ang lahat ng required fields ng impormasyon tungkol sa iyong produkto at ipadala ang request sa Products Team para ma-verify ito.
Maaari mong i-check ang status ng iyong product request sa listahan na nasa Product Requests tab. Ang mga bagong gawang request na naghihintay pa sa admin ay may status na PENDING, at kapag nagawa na ang mga ito, mapapalitan ang status ng APPROVED.
Kung may kulang na impormasyon, makikipag-ugnayan sa iyo ang Products Team sa pamamagitan ng ticket para humingi ng karagdagang detalye. Ang ganitong request ay magpapalit ng status sa REVIEW.
Sakaling ma-reject ang iyong request, may makikitang note na naglalaman ng dahilan sa ilalim ng “?” sign sa tabi ng DENIED status ng iyong product request sa listahan sa tab na Product Requests.