Kung bumili ka ng Origin/EA App Game Account, narito ang mga tip kung paano gamitin at i-customize ang account:
Gamitin ang mga credentials na iyong natanggap (direkta o sa pamamagitan ng external website) at mag-log in sa account.
Siguraduhin na tama ang nilalaman ng account (tamang edisyon ng laro, walang playtime, atbp.)
Baguhin ang mga credentials para maging sa iyo ang account:
Ang account ay dapat gamitin bilang paraan ng pag-access sa laro/nilalaman na interesado ka. Hindi inirerekomenda na gamitin ito bilang iyong main account, dahil maaaring magkaroon ka ng mga problema sa pagbili gamit ito.
MAHALAGA:
Mga Tip para sa iyong EA Account:
Gumamit ng Personal na Email: Huwag gumamit ng mga temporary email na ibinigay ng mga merchant. Palitan ang email ng iyong Steam account ng sarili mong email, mas mainam kung hindi ito bagong gawa. Ang mga temporary email ay para lamang sa pagtanggap ng 2FA code at dapat itong palitan agad kapag nakuha mo na ang access sa account.
Iwasang Makipag-ugnayan sa Support: Huwag makipag-ugnayan sa Steam o EA support para ipaalam sa kanila na binili mo ang account, dahil maaari itong magresulta sa pagkaka-ban ng iyong account.
Wag babaguhin ang Region ng account: Delikadong ma-ban ang account mo kapag pinalitan mo ang region nito.
Wag mag-lagay ng Payment Method: Iwasang mag-attach ng kahit anong card o bank account, lalo na kung galing sa ibang rehiyon. Maaari itong magmukhang kahina-hinala (suspicious) at magkaproblema ang account.
Gumamit ng iba/bagong EA Account: Huwag gumamit ng EA account na nai-konekta na sa ibang Steam accounts dati. Makakatulong ito para hindi ma-ban ang account mo.
Pag-link ng EA Account sa Steam: Para hindi ma-ban, huwag gumamit ng kakagawa lang na EA account kapag mag-li-link sa Steam. Mas mabuting gumawa muna ng account at maghintay ng ilang araw bago ito i-link, dahil mas mainit sa mata ng EA ang mga bagong account.
Kung magkaroon man ng problema sa account, maaari kang makipag-ugnayan sa seller o sa Kinguin Support sa pamamagitan ng Resolution Center gamit ang link na ito.