Para mapalitan ang email address sa iyong Origin/EA account, sundin ang mga hakbang na ito:
- Mag-log in sa iyong Origin/EA App account.
- I-click ang iyong profile icon sa kanang bahagi sa itaas at piliin ang “Account settings”.
- I-click ang “Edit” sa tabi ng titulong “Email Address”.
- Kailangan mong i-verify ang iyong identity - i-click lang ang 'Send security code'
- Buksan ang mailbox na naka-link sa account. May ipapadalang email mula sa EA support doon. Kung wala kang natanggap na email, siguraduhing tignan din ang iyong spam folder.
- Ilagay ang security code na natanggap mo sa mail at i-click ang “Confirm”.
- Ilagay ang iyong bagong email address.
- Kailangan mo lang i-verify ang mga binago mo - i-click mo 'yung 'Continue'.
- Buksan ang iyong mailbox at hanapin ang email mula sa EA Support.
- Ilagay ang confirmation code na natanggap mo sa mail at i-click ang “Submit”.
Congratulations! Nabago na ang iyong email address.