Para palitan ang password sa iyong Origin/EA App account, sundin ang mga sumusunod na hakbang:
- Mag-log in sa iyong Origin/EA App account.
- I-click ang iyong profile icon sa kanang bahagi sa itaas at piliin ang “Account settings”.
- Piliin ang “Security” mula sa listahan sa kaliwa.
- I-click ang “Edit” sa tabi ng “Password” na headline.
- Hihilingin sa iyong i-verify ang iyong identidad - i-click ang “Send security code”.
- Buksan ang iyong mailbox. Isang email mula sa EA support ang ipapadala doon. Kung wala kang natanggap na email, siguraduhing tignan ang iyong spam folder.
- Ilagay ang security code na natanggap mo via mail at i-click ang “Confirm”.
- I-type ang iyong bagong password sa mga fields at i-click ang 'Save'.
Nice! Nabago na ang iyong password!