Ang Kinguin Balance ay ang in-store currency ng Kinguin. Pinapayagan ka nitong bumili ng mga produkto nang walang karagdagang bayad. Upang magamit ang Kinguin Balance, piliin ang produktong nais mong bilhin at pindutin ang “Buy Now” - ididirekta ka sa “Checkout” page kung saan makikita ang Kinguin Balance slider. Upang magamit ang Kinguin balance, gamitin ang slider na matatagpuan sa kanang bahagi ng page, sa ibaba ng total ng order. Sa paggalaw nito, makikita mo ang halagang iyong gagamitin. Awtomatikong mag-babago ang presyo.
Isang halimbawa ng proseso kung paano gamitin ang Kinguin Balance ay ipinakita sa video na ito:
Inirerekomenda naming gamitin ang Euro bilang currency para gumana nang maayos ang Kinguin Balance. Kung sakaling hindi magbago ang presyo, pakitignang muli kung ang halagang ginamit mo ay higit sa 0.00 Euro. Kapag ayaw pa rin mag-update, subukang bawasan ng 0.01 Euro ang ilalagay mong halaga mula sa iyong Kinguin Balance.
Para makumpleto ang pagbili, i-click lang ang “Place order” o ang katumbas nito depende sa payment method mo (gaya ng "Pay with PayPal"). Kung Kinguin Balance ang pambayad mo sa buong order, awtomatikong mag-aadjust ang method dito - maaari mo rin itong piliin bilang method sa simula pa lang (naka-marka ito bilang “1 Kinguin Balance”), na aming inirerekomenda. Para matapos ang iyong pagbili gamit ang balance, i-click lang ang “Place order”.
Tungkol sa mga isyu sa paggamit ng mga discount code para mabayaran ang order nang buo gamit ang balance matapos mailapat ang rebate, inirerekomenda naming gamitin ang discount code sa isang order na gumagamit ng isa sa aming mga cryptocurrency payment method (tulad ng Bitcoin o Ethereum). Ang mga ganitong paraan ay walang anumang bayad para sa pag-proseso ng pagbabayad, kaya makikita mo kung ang kabuuang halaga sa cart (kasama ang tax at Service Fee) ay sapat na para mabayaran nang buo gamit ang balance.
Paunawa: Kung ginamit mo ang iyong Kinguin Balance sa isang order at nag-fail ang transaksyon sa pangunahing paraan ng pagbabayad, ang halagang nagamit mula sa balance ay dapat awtomatikong maibalik. Kung hindi ito nangyari, mangyaring ipaalam sa amin at gagawan namin ito ng manual na paraan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa https://kingu.in/ContactSupport