Para ma-enable ang two-factor authentication (2FA) sa iyong Ubisoft Connect account, kailangan mong sundin ang mga hakbang na ito:
Mag-log in sa iyong Ubisoft Connect account.
I-click ang iyong profile icon sa kanang bahagi sa itaas at piliin ang “Account management” mula sa dropdown menu.
I-click ang tab na “Security”.
Hanapin ang seksyong “2-Step verification” sa gitna at i-click ang “Activate”.
-
Piliin kung paano mo gustong matanggap ang verification code: Authenticator App o Email.
Kung pinili mo ang Authenticator App, kakailanganin mong ibigay ang iyong phone number (para makatanggap ng mga backup code sakaling mawalan ka ng access sa iyong authenticator app). Pagkatapos nito, bibigyan ka ng QR code na ii-scan gamit ang app na iyong pinili.
Kung pinili mo naman ang Email, kakailanganin mo itong i-confirm gamit ang code na matatanggap mo sa iyong mailbox.
Tapos na! Sa 2FA, mas secured na ang iyong account.