Ang Sneak Out ay isang crazy multiplayer game ng taguan na puno ng kalokohan, pranks, at saya para sa hanggang anim na players. Papasok kayo sa isang Haunted Castle kasama ang lima mong kaibigan, at isa sa inyo ang random na mapipiling maging Hunter. Ang maiiwan ay kailangang magtago at mag-survive sa loob ng Castle habang gumagawa ng tasks at iniiwasan ang Hunter hanggang bumukas ang escape portal. Ang mga malas na penguins na mahuhuli ay pwedeng tumulong sa kanilang kaibigan bilang Ghost, mang-aasar lang sila sa humahabol sa inyo! At siyempre, ang Hunter naman ay gagawin ang lahat para walang makatakas!