Dapat kang makatanggap ng email tungkol sa status ng iyong refund at kung paano ito makukuha. Para mabilis, sa Kinguin Balance (aming in-store currency) namin pinoproseso ang mga refund. Sa ganitong paraan, pwede ka agad bumili ng ibang items nang hindi na naghihintay ng matagal. Ma-aaccess mo ang iyong balance sa pamamagitan ng pag-log in o paggawa ng account gamit ang email na ginamit mo sa Guest Checkout. Kung gusto mo naman ng refund sa iyong original payment method, mag-message lang sa aming Customer Support.